0
Pag-ibig - Ogie Alcasid
0 0

Pag-ibig Ogie Alcasid

Pag-ibig - Ogie Alcasid
Nang tangan ng nanay
Ang munti mong mga kamay
Ika’y tuwang-tuwa
Panatag ang loob sa damdaming
Ika’y mahal

Nang nakilala mo ang una mong sinta
Umapaw ang saya at siya’y ibang-iba
Sinasamsam ang bawat gunita

Hindi mo malimutan kung kailan
Nagsimulang matuto kung papaanong magmahal
At 'di mo malimutan kung kailan mo natikman
Ang una mong halik, yakap na napakahigpit
Pag-ibig na tunay hanggang langit

Nang tayo'y nagkakilala ng hindi sinasadya
Ikaw lang ang napansin
Nahuli sa isang tingin
At sa pagbati mong napakalambing

Hindi ko malimutan kung kailan nagsimulang
Matutong ikaw lang ang mahalin
At 'di malimutan kung kailan ko natikman
Ang tamis ng iyong halik (tamis ng iyong halik)
Yakap na napakahigpit
Pag-ibig mong tunay hanggang langit
Comments (0)
The minimum comment length is 50 characters.
Information
There are no comments yet. You can be the first!
Login Register
Log into your account
And gain new opportunities
Forgot your password?