[Verse 1]
Masdan mong mabuti ang matang ito
Masasalamin luha na idinulot mo
'Di ba't dati-rati, kay saya nito
Ang tawag mo pa'y bituin at liwanag ko
[Verse 2]
Ngunit minsa'y namasdan ang 'yong kataksilan
Kahit pinatawad pa'y lagi ring luhaan
'Di man napupuri ang maging banal
Kahit mayro'n kang iba, lagi kang mahal
[Verse 3]
Kung kaya't ako ngayon ay nagkaganito
Basang krus ang natamo sa pag-ibig mo
Kung saka-sakaling 'di makatagal
At kunin akong bigla ng Poong Maykapal
Lalaki, ikaw ang dahilan
Masdan mong mabuti ang matang ito
Masasalamin luha na idinulot mo
'Di ba't dati-rati, kay saya nito
Ang tawag mo pa'y bituin at liwanag ko
[Verse 2]
Ngunit minsa'y namasdan ang 'yong kataksilan
Kahit pinatawad pa'y lagi ring luhaan
'Di man napupuri ang maging banal
Kahit mayro'n kang iba, lagi kang mahal
[Verse 3]
Kung kaya't ako ngayon ay nagkaganito
Basang krus ang natamo sa pag-ibig mo
Kung saka-sakaling 'di makatagal
At kunin akong bigla ng Poong Maykapal
Lalaki, ikaw ang dahilan
Comments (0)
The minimum comment length is 50 characters.