[Intro: Yuridope]
'Di lahat ng bagay makukuha mo
Kahit na anong gawin mo, walang nagbabago
Pinipilit mo naman kaso mas lumalabo
Ano bang pwede kong gawin para maging tayo?
Ano ba tayo?

[Verse 1: Yuridope]
Kasi pwede kang yakapin minsan
Kung minsan ay pepwede din kitang mahalikan
Pero 'di ko alam kapag umalis ako sa inyo
Kailan ba kita pwedeng balikan?
Ang dami sa'ting nakatingin, oh, ba't ka naiilang?
'Yung gan'tong sitwasyon natin ay hanggang kailan
Ano bang paraan para ika'y maangkin?
Nang walang iniisip na reason at dahilan
Ayoko na sa kanila magpaliwanag
Na hindi kita nakakasama, gustong isiwalat
Kung ano ang meron sa'ting mas mabuting maliwanag na
Para naman magawa na kitang maipaglaban
Kaso pa'no mangyayari kung ayaw mong pag-usapan
'Di lang ikaw pati ako mahihirapan
Ano bang plano mo? Pwede ko bang malaman?
Hindi mo ba kayang sabihin nang harapan?
Gusto kong maayos na kung ano ba tayo?
Mahirap mangapa lalo kung gan'to kalabo
'Yung tayo, alam ko naman at hindi ako nagkakamali
Tama ba mahal mo na 'ko? (Tama ba?)
Kaya anong problema? Bakit kailangan natin magtago?
Halata naman 'yung pruweba
Na may namamagitan sa'ting dalawa
Gusto ko nang solusyunan
Para wala nang dilemma
Comments (0)
The minimum comment length is 50 characters.
Information
There are no comments yet. You can be the first!
Login Register
Log into your account
And gain new opportunities
Forgot your password?