[Verse 1]
Kulang ang oras
Sa haba ng panahon
Kulang ang bukas
Na binibilang ko na ngayon
Kulang ang araw
Na humahabol sa gabi
Bago pumanaw
Isa lang ang minimithi
[Chorus]
Sa kabilang buhay
Ako pa rin ang makilala mo
At sana'y maulit pa na mahalin ako
Na para bang walang nagbago
[Verse 2]
Sa bawat paggising
Hahalikan ka ng kay diin
At sa takipsilim
Sabay na tayong aantukin
Sa kal'walhatian
Pagsasaluhan ang walang hanggan
Sa Diyos na may awa
Doon kita muling mahahagkan
Kulang ang oras
Sa haba ng panahon
Kulang ang bukas
Na binibilang ko na ngayon
Kulang ang araw
Na humahabol sa gabi
Bago pumanaw
Isa lang ang minimithi
[Chorus]
Sa kabilang buhay
Ako pa rin ang makilala mo
At sana'y maulit pa na mahalin ako
Na para bang walang nagbago
[Verse 2]
Sa bawat paggising
Hahalikan ka ng kay diin
At sa takipsilim
Sabay na tayong aantukin
Sa kal'walhatian
Pagsasaluhan ang walang hanggan
Sa Diyos na may awa
Doon kita muling mahahagkan
Comments (0)
The minimum comment length is 50 characters.