0
Ulila - Ron Henley
0 0

Ulila Ron Henley

Ulila - Ron Henley
[Verse 1]
Ang kulay puti, bughaw, dilaw, napalitan
Sinakop ng mga uwak ang kalangitan
Sa bigat ng kaulapan parang uulan
At parang bagong taon kung mag-ututan ang mga bulkan
Sunod-sunod na pagsabog ng granada
Mga katawang nakahandusay sa kalsada
Mga mukha ay duguan, di na makilala
Ganto pala ang tunay na kulay ni Kirara
Kahit sa’n ka tumingin usok ang itim
Sa kapal kaya n’yang takpan ang mga bituin
Isang kidlat, kasunod ng kulog
Kasabay ng isang malungkot na tunog
Teka na sa’n yung iba? Ako lang ba ang natira?
Ako lamang mag-isa at hinahanap kita
Lubos na nagtataka, bakit di kita kasama?
Gan’to ang larawan ng aking mundo kapag wala ka uh

[Chorus]
Kawawang nilalang, ba't nag-iisa?
Kawawang nilalang, ba't nag-iisa?
Kawawang nilalang, ba't nag-iisa?
Kawawang nilalang lagi nalang nag-iisa

[Verse 2]
Anong kaguluhan to? Anong nangyari dito?
Nilamon ng apoy ang luntiang paraiso
Kulay pulang anyo ng tubig, daanan ay maputik
Nasunog ang lahat ng palayan sa bukid
Galit ang hangin na sa akin ay humampas
Na nagdala sa ‘kin patungo sa isang talampas
Ahit na kagubatan, na kalbong kabundukan
Habang humahaba ang buhok ng kalungkutan
Dito namahay ang hari ng kadiliman
Pailalim makatingin at di ka titigilan
Tinanong ko't tinitigan, kung kailan sya lilisan
Mahal nya daw ang mundong 'to at di nya maiiwan
Puro ungol at sigaw ng mga kaluluwang ligaw
Hinahanap ay ikaw
Sadyang nakakatakot ang pook na ‘to pag di kita kasama
Gan’to ang larawan ng aking mundo kapag wala ka, uh
Comments (0)
The minimum comment length is 50 characters.
Information
There are no comments yet. You can be the first!
Login Register
Log into your account
And gain new opportunities
Forgot your password?