[Intro]
Ooh-ooh-ooh, ooh-ooh-ooh

[Verse 1: Pablo]
Kailan ba ako magiging payapa? (Kailan?)
'Di na nga yata
Ako ang taya simula pagkabata
Habulan sa utak ko na mahilig gumala (Uh)
Kahapon ay hindi na lumipas, 'di ko rin alam kung meron pang bukas
Pilit nga na nangangapa sa laman ngang wala naman nang lunas
Naging matalik na kaibigan ng dilim, liwanag ang kaniyang lihim
Sinubukang alamin saloobin, tumingin sa salamin
Ngayon ano'ng aking gagawin? Ito ay kapit sa patalim
Paano mo haharapin ang takot mo kung pagtingin sa salamin nakangiti ikaw pa rin?
'Di mo na kailangan na magkunyaring iba
Alam naman natin na mas komportable ka
Sa walang sana, walang dismaya, makatotohanan lang, walang iba
Buksan mo ang iyong isipan, kakitira'y gawing kalawakan
Ang katotohana'y 'yong nahahawakan, tuparin ang napanaginipan
That's right, play hanggang sa dulo, uh, mayday, panay peligro
But someday, maitotono ko rin ang buhay ko na 'di sintunado, sing

[Chorus: Pablo]
Kailan ba tunay na sasaya?
Maging malaya sa takot at pangamba
Ah, nah, yeah, yeah (Yah)
Dami nang pinagdaanan
Na 'di ko inaasahan na malalagpasan
Ah, nah, yeah, yeah (Ayy, ayy)
Ipipikit ko ang aking mata't
Mananalangin sa mahabaging Ama
Ah, nah, yeah, yeah, yeah, woah (Kailan?)
Kailan ba tunay na sasaya?
Maging malaya sa takot at pangamba
Ah, nah, yeah, yeah, yeah, yeah
Comments (0)
The minimum comment length is 50 characters.
Information
There are no comments yet. You can be the first!
Login Register
Log into your account
And gain new opportunities
Forgot your password?