[Verse 1]
Iangat mo lang ang telepono at darating ako
Kahit pa sumasakit itong ulo
Iangat mo na rin ang 'yong mukha
'Wag kang mabahala
Hindi ko tatawanan ang 'yong pagluha
[Pre-Chorus]
Hindi ba't sabi ko sa'yong tigilan mo na 'yan?
Ang pag-iisip mo sa walang katuturan
Hindi maaalis ng alak at ng pag-iyak
Bigyan mo ng daan ang bago mong tinatahak
[Chorus]
Sari-saring pangyayari pa ang iyong makikita
Sari-saring bagay-bagay pa na mas mahalaga
Ngayon, sabihin mo kung 'di ka pa kuntento
Marami pang magaganap dito sa pag-ikot ng mundo
[Verse 2]
Iabot mo na sa 'kin ang baso at tatagayin ko
Kahit pa sumasakit itong ulo
Iabot mo na rin ang gitara at tayo'y kakanta
Ng Tito, Vic, & Joey para masaya

Comments (0)
The minimum comment length is 50 characters.