[Chorus: Sarah Geronimo]
Lahat ay napapahanga
Saan man dumayo ay may palakpakan at tuwa
Hindi ito haka-haka
Kahit malayo ang tanong ay saan ka nagmula
Mainit na parang baga
Pagmamahal sa bayan di maaapula
Nagliliyab na apoy
Pag sumigaw 'ko ang "Hoy!"
Ito ay sining ng Pinoy
[Gloc-9]
Sama-sama tayong magbunyi
Ipalaganap ang sining natin, huwag mag-atubili
Sa kahit saan mang lupalop ay hindi natatakot
Ipakita ang kaalaman at mag-abot ng sukli
Ipamahagi, ipamigay at ikalat ang punla
Pero huwag kalilimutan kung saan ka nagmula
Kulturang parang balong 'di nauubusan ng tubig
Ang taong nagtatagumpay ay kung sino ang masugid
Na gumuhit di pinilit na hilahin ang sinulid
Kahit mapurol ang gamit ay patuloy na umukit
Sa bato ng kapalaran, 'yan ang kailangan
Palagi mong tulungan ang iyong kababayan
Alalayan pataas kahit magkaiba
'Di katulad ng sa'yo ang sining na bitbit nila
Lagi mong tatandaan kahit may nauna pa
Na ang pagkakaisa ay ang siyang mahalaga

Comments (0)
The minimum comment length is 50 characters.